Balitang Balita

Balitang Balita sa buwan ng Hunyo sa DIYOSESIS NG PARAÑAQUE !HUMAYO AT IPAHAYAG…:Ang ikatlong pangkat ng mga Volunteer Catechists ng Diyosesis ng Parañaque na binubuo ng siyamnaput tatlong mag-aaral ay masayang nagsipagtapos matapos na gugulin ang kanilang dalawang taong paghuhubog upang maging kaisa ng Simbahan at ni Kristo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita sa mga bata at may mga gulang lalot higit sa kanilang mga parokya. Ang hamon sa bawat isa ay makiisa sa Misyon ni Jesus ng buong katapatan ay pinaalala sa kanila ni Bishop Jesse Mercado na siyang namuno ng Banal na Eukaristiya nang araw na iyon. Ang nasabing paghahanda at pag-aaral ay nasa matiyaga at matapat na pagsubaybay ni Ms. Carmen Asuncion at Ms. Gina Esporlas. Kasama rin sa araw na iyon ang ilang Kura Paroko ng mga nagsipagtapos. Na naging saksi at kaagapay sa kanilang paglago bilang makabagong alagad ni Kristo sa ating makabagong panahon.. Idinaos ang araw ng kanialng pagtatapos sa parokya ng Presentation of the Child Jesus Parish noong ika-20 ng Mayo, 2011. Maraming salamat sa lahat ng mga paring sumuporta at sa kanilang mga naging guro nag–alay ng sarili at panahon. Mabuhay po kayong lahat !
Maligayang kaarawan sa aming mahal na Pastol !: Ng ika-2 ng Hunyo ng taong kasalukuyan, sa parokya ng Our lady of Fatima,, ang lahat ng mga katekita ay nagtipon-tipon upang upang batiin ang aming pastol na si Bishop Jesse Mercado sa kanyang ika-60 na kaarawan. Sinimulan ito sa pagdiriwang ng banal na Misa kasama ang Doppsa Superitendent na si Fr. Fidel Fabile, ang ingat yaman ng Diyoses na si Fr Gerry Mascarina at Catechetical Director na si Fr Bong Gino. At bago nagbigay ng huling basbas ang aming Obispo siya ay hinarana ng lahat ng mga katekista. Natapos ang pagbating na ito sa isang munting pagsasalo-salo
A dream come true….: Matapos ang mahabang panahon na pagplaplano, natupad ang aming pangarap na maganap ang aming retreat sa Bohol. Halos tatlong taong paghahanda at paghahangad na marating ang lugar na ito. Kaya ng ika 6 hanggang ika-sampu ng Hunyo ang mga katekista ng Diyosesis ng Parañaque ay nagtungo sa Bohol sa pamumuno ni Rev. Fr. Gerard Mascariña. Isang retreat na tunay na nagbibigay ng pagkakataon para muling suriin ang kani-kanilang adhikain sa paglilingkod sa Diyos at magkaroon ng kalakasan at katatagan ng loob upang harapin ang anumang “conflict” o hamon na kanilang mararanasan sa kanilang paghayo bilang mga alingawngaw ni Jesus. At sa lahat ang nasabing retreat, isa ito sa masayang ala-alang mananatili sa kanilang puso at isip magpakailanman kung kaya ang lahat ay nananalanging ng…”sana’y maulit muli..” Sa lahat ng nagdasal at sumuporta sa gawaing ito maraming salamat po!
More Pictures: http://s1041.photobucket.com/albums/b416/cfam/Para%20Newsletter%20Articl...


