CFAM CHRISTMAS ASSEMBLY 2016

christmas_party.jpg

Noong nakraang ika-15 ng Disyembre, 2016 ang mga Katekista ng Arkidiyoseis nang Maynila ay nagkaroon ng taunang pagdiriwang nang kapaskuhan na mayroong tema… “Ang Diwa ng Pasko sa Pamayanan ni Kristo.” Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga Katekista mula sa walong bikaryato “Full Time” at “Volunteer”. Sa umaga ay nagkaroon nang pagrorosaryo at pagsasanay nang mga aawitin sa Banal na Misa.

               

Ang pinakatampok sa pagdiriwang ay ang Banal na Eukaristiya na pinamunuan ng kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle. Sa kanyang homiliya tatlong puntos ang kanyang binigyan ng diin at sinabi niya sa harap nang may higit tatlong daang katekista, BUHAY…SALITA at MISYON. “Ang BUHAY ay dapat ikinakalat sa pamamagitan ng SALITA. Hindi kayo ang Salita kundi katulad ni Juan Bautista ang “Tinig na sumisigaw sa ilang “, We are called like John to proclaim the Word! KATEKISTA KAYO ang TINIG na SUMISIGAW sa ilang  at nariyan ang kadakilaan ng ating MISYON. We need conversion and wisdom at Makita si Jesus sa ating kapwa…Jesus na aking kapatid iyong mukha`y ibang-iba hindi kita nakikilala…Humingi ng tawad dahil hindi natin siya nakilala sa pagkatao ng ating kapwa. Magalak sa pagdating ni Jesus at magpasalamat sa Misyon na maging tagapagpahayag ni Kristo!”(Cardinal Tagle).Bilang pasasalamat sa butihing Cardinal, siya ay hinandugan ng isang awit pamasko na pinangunahan nang CFAM Choir na sinabayan ng lahat.

 

Pagkatapos ng Banal na Misa nagkaroon ng maikling programa kung saan nagbigay ng saya ang bawat Bikaryato at doon ay itinampok ang “CHIRSTMAS OUTREACH ACTIVITY” ng mga katekista ang pagtulong sa mga dukha at mas higit na nangangailangan. Nagkaroon rin ng mga palaro at “raffle”. Tunay na ang Diwa ng Pasko…ang PAG-ASA, PAG-IBIG at SAYA ay naibahagi at naranasan nang lahat sa pamayanan ng mga katekista ng Mayila.